Hanggang Kuya Nga Lang Ba?

Hanggang kuya nga lang ba?

"Kuya" yan ang tingin,tawag at trato ko sayo
Kasama,kalaro at maging kakulitan ko
Sandali lang kuya pansinin mo naman sana ako, pansinin mo ako at pakinggan itong mga sasabihin ko sayo
May aaminin akong pinakatinatago tago ko
Ito'y mula pa noong mga bata pa tayo
Mula noong hinampas mo ng pencil case ang mga kamay ko
Nagsumbong ako at sumigaw ng aray pero tinawanan mo lang ako
Eto na kuya makinig ka
Hinahangaan kita, oo kuya ikaw mula pa nung una
Binalewala ko kasi nga ang bata ko pa
Pero ang totoo nabubuo ang araw ko sa tuwing nakakasalubong ka, kapag nakikita ka sa skwelahan nung tayoy nasa elementarya pa

Haysul ako nang mapansin kitang tumutugtog ng gitara
Simula nun napagtanto ko na mas hinangaan pa kita.

Chill! Sabi ko sa puso ko
Kuya lang kita at malabo yung magbago
Malabo yung magbago kasi siguro hindi naman ako yung tipo ng babae ang magugustuhan mo
Hindi ako sexy, hindi ako talented at hindi ako ganun ka talino
Malabong magbago kasi siguro hanggang kababata lang talaga ang tingin mo
Syempre nasanay kang magkaibigan lg tayo

Hanggang kuya nga lang talaga siguro kasi
Kasi alam kong may syota ka na at siguro naman mahal mo

Pero eto kuya pakiusap pakinggan mo
Masaya at panatag ang puso sa tuwing sumusulyap ako sayo
Takot akong magmahal uli pero gusto ko
Gusto kong maranasan muli ang sarap at saya pero sa pagkakataong ito gusto ko sa piling mo

Kaya ngayon sagutin mo'ko
Hanggang kuya nga lang ba ang tingin ko sayo?
Hanggang magkababata nga lang ba talaga tayo?
Dahil kung oo ang sagot mo
Kahit mahirap iiwas ako